Reality of Life
March 15, 2010 Matapos ang matagal-tagal na tila paninirahan sa bundok dahil walang computer, nagbabalik nanaman ang prinsesang nangangarap. Maraming pagbabago, mas maraming pangarap, mas maraming kaaningang nagaganap at magaganap.
Hay buhay nga naman, maraming problema pero nananatiling masaya dahil sa mga taong nais mo ding mapasaya. Tuloy ang ikot ng mundo ika nga nila. minsan mabigat, minsan mahirap, pero mas madalas ay puno ng pag-asa. Marahil ay hindi lang natin napapansin pero sigurado may mga gusto tayong mangyari.
SHET!!! so serious, parang ndi ako sanay… marami mang pagbabago, pero natitira pa rin ang mga bagay na nakasanayan mo katulad ng (1))pagkwentuhan ang mga bagay na walang kakwenta-kwenta (2)pagkalap ng fresh chismis sa paligid at (3)MANG-ASAR AT MAMBWISIT NG MGA PIKON (NOTE: wag kang magpanggap, ganyan ka din!!)…. at dahil jan mas marami pang nadagdag sa mga bagay na tila nakakasanayan ko ng gawin at parang ndi buo ang araw ko pag wala ang isa nito (1)yosi (2)alak at (3)sex (NOTE ULIT: wag ka ulit magpanggap dahil malamang nakakarelate ka din!!).
walang thrill ang buhay kung laging pakpak at puting daster ang suot mo. Minsan, minsan lang naman eh, masayang sukatin ang buntot at sungay ni Lucifer pero hubarin mo rin ah baka kasi ipamana na nya sayo ang trono nya. Sabi nga ni Fr. Jerry Orbos sa libro nyang MOMENTS, “too much of anything can kill us….” meaning, kapag nasobrahan ka sa yosi, Tuberculosis abot mo. Kapag nasobrahan ka sa alak, kawawa ang atay mo. At kapag nasobrahan ka sa sex, tang ina…. baka hindi pa pinapanganak ang panganay mo eh laspag ka na.
Ganyan naman talaga ang sinasabing buhay, habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang oras at ikot ng mundo. Mangarap ka at abutin mo ‘to. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong barkada, kuripot mong syota, pilay mong tuta, o lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde, tumigil ka sa pag-aaral, magpabuntis ka, magdrugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. NASA KANTO AT TAMBAY KASAMA ANG MGA TULAD MO.


