nasaan na nga ba???
March 18, 2010
From pigtails to hairspray. From teddybear to cellphone. From barbie dolls to laptop. From lollipop to cigarette. From milk to alcoholic drinks. From tree-top to disco bar.
How fast time flies. You’ll notice the changes as life goes by.
Dati lang, naglalaro pa kami ng patintero sa kanto. Patakbo-takbong parang wala kapaguran. Kampihan o kaya kopong-kopong. Madalas si Marivic ang batotot. Nagpipiko din kami sa gitna ng daan, kahit butas-butas ang kalye ayos lang. Balat ng saging ang pinakamagandang pato, kaya uuwi muna ko sa bahay para kumain ng saging at kunin ang balat. Naglulutu-lutuan, kahit kawawa na ang inaaalagang mga bulaklak ng kapitbahay. Pupunta pa kame sa padulasan o kaya sa puno ni Manang Alice para mamalengke ng mga bulaklak pangsahog o kaya kanin-kanin na makikita sa kanto. Balat-kendi ang pambili namin. Nag-aaral-aralan kami sa tapat ng bahay namin. Madalas naman si Baleleng ang teacher. Siya ang pasimuno basta eto na ang laro. Kalimitan pagsapit ng gabi, nagtataguan kami sa buong baranggay. Akala nga ng mga tao sa amin may nag-aaway nanaman dahil may mga kumakaripas ng takbo.
Kung anu-anong laro ang naiisip namin. Kasama ang pangogolekta ng tansan at mga balat ng kendi. Pati na rin ang holen, teks, pog, salagubang, gagamba, bato, paperdolls, stationary, trumpo, at marami pang iba.
Kapag pyesta naman ay may intermission number kami. BULILIT GIRLS kung tawagin kami. Madalas ako ang sa harap kasi maliit ako. Malayo palang ang pyesta, panay na ang practice namin ng sayaw pero paulit-ulit lang ang steps. Nakakatawa nga kung iisipin pero para sa anim na taong bata, karangalang marunong kang sumayaw. Makalipas ang ilang taon, napalitan ito ng FMS o FRIENDLY MAKERS SOCIETY. Pero hindi naglaon, may nakaaway kami. Ang mga Cordero. Ang FMS, nabansagang TMS o TROUBLE MAKERS SOCIETY. Ang sarap alalahanin ang mga panahong ito. Nakatambay kasama sila Baleleng, Apple, Ai-Ai, JEnjen, Ianboy, Lovely, Joan, Judith, Abbie, Camille, Michelle, Kukai, Mean.
NASAAN NA NGA BA ANG BARKADA NGAYON?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment


